DSWD X, nagsagawa ng Outreach Activity sa Bukidnon
Bilang pagdiriwang ng 18-Day Campaign to End VAWC, nagsagawa ng outreach activity ang grupo ng DSWD Field Office 10 sa Manolo Fortich, Bukidnon nito lamang Nobyembre 26, 2025
Upang palakasin ang adbokasiya para sa proteksiyon ng kababaihan at kabataan alinsunod sa UNiTE Campaign at RA 9262, kabilang sa aktibidad ang PhilHealth YAKAP Orientation, kung saan ipinaliwanag sa mga benepisyaryo ang kanilang mga karapatan, benepisyo, at serbisyong pangkalusugan upang matiyak na may sapat silang kaalaman at access sa mga programang makatutulong sa kanila.

Nagkaroon din ng gift-giving para sa mga kababaihan at batang nasa pangangalaga ng DSWD, na nagbigay saya at dagdag na suporta sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.
Patuloy na nananawagan ang grupo na magkaisa para sa mas ligtas at mas empowered na mga komunidad.