Culminating Day ng Capacity Development Program para sa mga Barangay Officials, muling isinakatuparan sa Bohol

0
viber_image_2026-01-07_16-32-27-106

Muling isinakatuparan ng Bohol Police Provincial Office ang Culmination Day ng Capacity Development Program para sa mga Barangay Officials, nito lamang January 6, 2026 sa Tagbilaran City, Bohol.

Ang nasabing programa ay isinagawa sa loob ng siyam na araw na nagsimula noong December 9, 2025. Layunin nitong pagtibayin ang pamumuno ng mga local leaders partikular na sa pagtiyak sa kaayusan at kaligtasan ng kanilang mga residente.

Ang programa ay mainit na sinuportahan ni PCOL PATRICIO C DEGAY JR., Provincial Director ng Bohol PPPO, sa pamamagitan ng representasyon ng mga PCADU personnel, sa pangunguna ni PLT CYNTHIA J SALON, FJGAD PCO; PSSg Jonald “Abdulsalam” Avinido, Salaam PNCO; at PSSg Aldrin Palaca, PIO Action PNCO.

Ang grupo ay nagsilbing mga tagapagsalita kung saan tinalakay nila ang mga mahahalagang paksa gaya ng Gender and Development (GAD), Children in Conflict with the Law (CICL), Prevention and Countering Violent Extremism and Terrorism (PCVE), Cybercrime Law, at ang Unified 911.

Natapos ang programa na mayroong pagkakaisa sa pagitan ng pulisya at ng mga barangay leaders na mas pinalawak pa ang kanilang mga kaaalaman at kakayahan sa pagtataguyod ng payapa at ligtas na mga komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *