Preemptive evacuation, tulong-tulong na ipinatupad sa Cadiz City sa gitna ng pananalasa ni Basyang
Tulong-tulong na ipinatupad ng mga awtoridad sa Cadiz City katuwang ang City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO) ang preemptive evacuation para sa mga apektadong residente ng Tropical Storm Basyang nito lamang February 6, 2026.
Nakiisa rin sa nasabing paglikas ang mga tauhan ng Cadiz City Police Station (CCPS), sa pangunguna ni PLTCOL LYMEL JOHN H. PASQUIN, Chief of Police, partikular na sa mga residente mula sa Sitio Paniqui-on, Brgy. Tiglawigan ng nasabing lungsod.
Ligtas na dinala ang nasabing mga evacuees sa Paniqui-on Elementary School, isa sa mga designated evacuation centers sa lungsod.
Sa pamamagitan ng pagkakaisa at agarang pagresponde, matagumpay na nailikas ang mga apektadong residente habang patuloy na nananalasa ang bagyo sa buong Negros Island Region.