CAGPTD at TWG, nagpulong ukol sa implementasyon ng ‘Revitalized Pulis sa Barangay sa Isabela

0
641549206_2090016778512624_4882735186064496432_n

Bilang bahagi ng mas pinalawak na pagpapaunlad ng serbisyo sa publiko ay ginanap ang isang mahalagang pagpupulong sa pagitan ng Company Advisory Group for Police Transformation and Development (CAGPTD) at Technical Working Group (TWG) sa 2nd IPMFC Conference Hall, Barangay Alinam, Cauayan City ngayong  ika-25 ng Pebrero, 2026.

Ang pagpupulong ay pinangunahan ni PMAJ GEORGE C MARIBBAY, Acting Force Commander, 2nd IPMFC, bilang TWG Chairman at dinaluhan ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang sektor. Layunin ng nasabing aktibidad na talakayin ang mga usapin, tungkulin, at progreso ng deployment ng Revitalized Pulis sa Barangay (RPSB) na kasalukuyang nakatalaga sa Barangay Salay, San Agustin, Isabela.

Nagbigay ng komprehensibong ulat si PLT SAMUEL BATARA, RPSB Team Leader, kung saan binigyang-diin niya ang mga tagumpay at hamon sa pagpapanatili ng kaayusan at pagbibigay ng serbisyo-publiko sa nasabing barangay.

Kabilang sa mga dumalo na nagpakita ng suporta mula sa iba’t ibang sektor ay sina

Pastor Christopher B. Guzman, Religious Sector, Tagapangulo, CAGPTD, Ms. Gemma V. Bala, Education Sector – Kalihim, CAGPTD, Ms. Francisca C. Yuro, National Government Agency, ATI-RTC2, Ms. Deanna Dalin, Women Sector, Cauayan City Green Ladies Organization, Mr. Armando Alaska NGO Sector, Philippine National Anti-Crime Group, Dr. Rizalina Sagaysay, NGO Sector, Citizen Crime Watch-STF Region II at Mr. Bhinda Singh, Business Sector.

Ang pagpupulong na ito ay bahagi ng patuloy na estratehiya ng Pambansang Pulisya na ilapit ang serbisyo sa mamamayan sa pamamagitan ng kolaborasyon sa komunidad. Sa tulong ng CAGPTD at TWG, tinitiyak na ang bawat programa ng pulisya ay may sapat na gabay at suporta mula sa mga pinuno ng iba’t ibang sektor upang makamit ang isang ligtas at maunlad na lalawigan.

Source: SecondIsabela Pmfc / https://www.facebook.com/share/p/1ayCkH9gt8/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *