Multi-Agency Gift-Giving Symposia, matagumpay na inilunsad sa Capiz
Matagumpay na inilunsad sa Tapaz, Capiz ang isang Multi-Agency Gift-Giving Symposia sa pangunguna ng Byne Memorial Baptist Church sa dalawang paaralan ng nasabing lungsod nito lamang March 12, 2026.
Ang programa ay dinaluhan ng mga tauhan ng 602nd Company, Regional Mobile Force Battalion 6 (RMFB6) sa ilalim ng pamumuno ni PCpt Roy C Compe, Acting Company Commander kasama ang ilang mga tauhan ng Tapaz Municipal Police Station (MPS) at ang 12th Infantry Battalion ng Philippine Army.

Bahagi rin umano ang nasabing inisyatiba sa taunang selebrasyon ng National Women’s Month Celebration, kung saan nagbahagi ang mga awtoridad ng mahalagang talakayan kaugnay sa pagbibigay ng tiwala at suporta sa ating mga kababaihan partikular na sa usaping gender equality, women’s rights, personal safety, at leadership development.
Unang isinagawa ang programa sa Roxas Farm School at sumunod naman sa Camburanan National High School sa parehong bayan ng Tapaz.

Nagbahagi rin ang grupo sa higit 50O na mga student beneficiaries ng mga gift packs na naglalaman ng mga school supplies, hygiene kits, at snacks.

Sa pamamagitan ng naturang inisyatiba, mas napagtibay pa ang pagtutulungan ng simbahan, kapulisan at ng buong pamayanan tungo sa paggabay sa ating mga kabataan na makamit ang kanilang mga pangarap at lumaki bilang mga responsable at produktibong mamamayan.