PNP Auxiliary, Pinaiigting ang mga hakbang para sa kaligtasan ng publiko sa Valencia City

0
657075055_1370447911790371_1845814029044007881_n

Patuloy na pinaiigting ng Valencia City Police Station, katuwang ang mga PNP Auxiliary personnel, ang kanilang mga operasyon ngayong buwan ng Marso upang matiyak ang kaligtasan ng publiko at mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa lungsod.

Kabilang sa mga isinagawang hakbang ang paglalagay ng mga strategic checkpoints upang masusing mabantayan at makontrol ang galaw ng mga sasakyan. Layunin nito na mapalakas ang seguridad at maagapan ang anumang posibleng banta sa komunidad.

Agad ding rumesponde ang mga awtoridad, kasama ang Traffic Investigator, sa isang naiulat na aksidente sa kalsada. Nagbigay sila ng agarang tulong sa mga sangkot habang tiniyak ang maayos na daloy ng trapiko sa lugar. Bukod dito, pinaigting din ang police visibility at security presence bilang suporta sa mga delegado ng NMRAA upang masiguro ang kanilang kaligtasan at ang maayos na daloy ng mga aktibidad.

Buong suporta naman ang ipinagkakaloob ng Pamahalaang Lungsod ng Valencia sa pangunguna nina Mayor Amie Galario at Vice Mayor Greizl Galario-Fernandez sa mga hakbanging ito para sa kapakanan ng mga Valenciano.

Sa pamamagitan ng matibay na koordinasyon, dedikasyon, at malasakit sa serbisyo publiko, patuloy na ginagampanan ng PNP at PNP Auxiliary ang kanilang mahalagang tungkulin sa pagpapanatili ng isang ligtas at mapayapang komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *