Prusisyon sa Miyerkules Santo sa Albay, naging mapayapa
Screenshot
Sa pangunguna ng kapulisan kasama ang iba’t ibang lokal na pamahalaan, at mga force multiplier, naging mapayapa, maayos, at organisado ang isinagawang prusisyon ngayong Miyerkules Santo sa iba’t ibang bayan ng Albay.
Nagsagawa ng mahigpit na pamamahala sa trapiko at pagpapanatili ng kaayusan ang mga police units sa lalawigan upang matiyak ang kaligtasan at maayos na daloy ng prusisyon para sa lahat ng debotong nakilahok sa mahalagang okasyong ito.
Nagpapasalamat naman ang mga awtoridad sa kooperasyon ng mga lokal na pamahalaan, sa mga volunteer groups, at higit sa lahat, sa mapayapang pakikiisa ng lahat ng ating mga kababayan upang matiyak ang kapayapaan ng isinagawang aktibidad.
Paalala naman ng mga awtoridqd na patuloy na mag-ingat ang lahat kasabay ng panalangin ngayong Semana Santa. Manatili ring mapagmatyag at makiisa sa ating kapulisan para sa isang ligtas at mapayapang paggunita ng Mahal na Araw.