Bacolod City LGU, naghandog ng 10 E-Vehicles para sa kapulisan sa Lungsod
Bilang patunay ng patuloy na pagpapalakas ng ugnayan ng pamahalaang lokal at kapulisan, matagumpay na isinagawa ang ceremonial turnover ng sampung (10) electric vehicles mula sa Bacolod City LGU sa pangunguna ni Hon. Greg Gasataya, kasabay ng Flag Raising Ceremony sa Bacolod City nito lamang ika-27 ng Abril 2026.
Ang mga nasabing yunit ay ipapamahagi sa sampung police stations sa lungsod upang higit na mapahusay ang police mobility, mapabilis ang pagtugon sa mga insidente, at maisulong ang paggamit ng makakalikasang teknolohiya sa pagpapatupad ng tungkulin.
Ang inisyatibong ito ay sumasalamin sa iisang layunin ng LGU at PNP ang maghatid ng episyente, responsable, at sustainable na serbisyo para sa kapakanan ng mamamayan.
Patuloy ang panawagan ng kapulisan at lokal na pamahalaan para sa mas pinaigting na kooperasyon ng komunidad tungo sa isang ligtas, maayos, at maunlad na lungsod.
Source : The visayan Daily Star