Young Earth warriors, nagkaisa sa tree planting at clean-up drive sa Cervantes

0
viber_image_2026-05-23_15-19-41-634

Matagumpay sa pagsasagawa ng tree planting at clean-up drive activity ang mga kabataang environmental advocates, barangay officials, at mga kapulisan noong Mayo 23, 2026 sa Tree Park, Sitio Bissayot, Brgy. Comillas North, Cervantes, Ilocos Sur.

Pinangunahan ni John Michael Gaburno at ng Young Earth Warriors, katuwang ang mga opisyal ng Brgy. Comillas North, ang nasabing aktibidad bilang bahagi ng pagsusulong ng pangangalaga sa kalikasan at pagpapalakas ng ugnayan ng komunidad.

Nakiisa rin ang mga tauhan ng Philippine National Police mula sa 102nd Maneuver Company, RMFB1 sa ilalim ng superbisyon ni PCpt Oliver L. Gaspar, Assistant Company Commander, kasama ang mga dedikadong volunteers ng komunidad.

Ipinakita sa aktibidad ang matibay na pagkakaisa at kooperasyon ng law enforcement agencies, youth environmental advocates, barangay officials, at community volunteers sa pagpapalaganap ng environmental awareness, pangangalaga sa kalikasan, at pagpapanatili ng malinis at ligtas na pamayanan.

Bukod dito, nagbigay rin ng mobile assistance at area security ang mga kapulisan upang matiyak ang maayos at mapayapang pagdaraos ng aktibidad.

Panulat ni PMSg Carmela G Danguecan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *