KKDAT, bida sa drug symposium ng Catmon MPS at MADAC

0
viber_image_2026-06-09_10-13-46-312

Matagumpay na nagsagawa ang Catmon MPS at Catmon MADAC ng Drug Symposium sa pakikipag-ugnayan sa mga opisyal ng Barangay San Jose sa pangunguna ni Hon. Karem Sususco Joromo noong Hunyo 6, 2026.

Naging tampok sa aktibidad ang aktibong pakikilahok ng mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT), na nagpakita ng kanilang suporta sa kampanya laban sa ilegal na droga.

Layunin ng symposium na mabigyan ang mga kabataan ng wastong kaalaman tungkol sa droga, mapaigting ang kanilang kakayahang tumanggi sa masasamang impluwensiya, at mahikayat silang maging responsableng mamamayan.

Sa pamamagitan ng kanilang pakikiisa, pinatunayan ng KKDAT ang kanilang mahalagang papel sa pagtataguyod ng isang ligtas, malusog, at drug-free na komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *