BPAT’s, nakilahok sa lecture at training na isinagawa ng mga awtoridad sa Brgy. Cambubho, Cebu

0
viber_image_2026-07-30_10-13-54-590

Nakilahok ang Barangay Peacekeeping Action Teams (BPAT’s) sa isinagawang Drug Awareness Lecture at Handcuffing Demonstration bilang bahagi ng pagdiriwang ng 31st Police Community Relations (PCR) Month sa Barangay Cambubho, Danao, Cebu noong Hulyo 29, 2026.

Sa pangunguna ni PLtCol Henrix P Bancoleta, Chief of Police ng Danao City Police Station, tinalakay sa aktibidad ang masasamang epekto ng ilegal na droga at ang kahalagahan ng aktibong pakikilahok ng komunidad sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan.

Kasunod nito, nagsagawa rin ang mga awtoridad ng Handcuffing Techniques Demonstration para sa mga miyembro ng BPAT at Barangay Tanod upang mapahusay ang kanilang kaalaman at kasanayan sa wastong paggamit ng posas.

Sa pamamagitan ng aktibidad na ito, muling ipinakita ng Philippine National Police ang kanilang pangako sa pagpapalakas ng ugnayan sa komunidad at patuloy na pagsuporta sa mga lokal na tagapagpanatili ng kapayapaan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *