BPAT Members sa Alcala, hinasa sa Refresher Training para sa mas matatag na Police-Community Partnership
Matagumpay na isinagawa ang Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT) Refresher Training bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-31 Police Community Relations (PCR) Month noong Hulyo 28, 2026 sa Teresita I. Antonio Municipal Gymnasium, Centro Norte, Alcala, Cagayan, na nilahukan ng mga miyembro ng BPAT mula sa iba’t ibang barangay ng bayan.
Pinangunahan ni PCpt Boblavin T. Baloran, Acting Chief of Police ng Alcala Police Station, ang nasabing aktibidad na dinaluhan ni Hon. Cristina I. Antonio, Municipal Mayor ng Alcala, kasama ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan, mga tauhan ng BFP-Alcala, at iba pang katuwang na ahensya at stakeholders.
Bilang kinatawan ni PCol Mardito G. Anguluan, Provincial Director ng Cagayan Police Provincial Office, ipinaabot ni PCpt Sheila Joy N. Fronda, Chief, PIO, ang mensahe ng Provincial Director na naghikayat sa mga BPAT na patuloy na paunlarin ang kanilang kaalaman at kasanayan bilang mga katuwang ng kapulisan.
Sa isinagawang refresher training, tinalakay ang iba’t ibang mahahalagang paksa kabilang ang Roles and Functions of BPATs, Disaster Preparedness and Earthquake Drill, First Aid, Basic Life Support and Fire Drill, Basic Arnis, Arresting and Handcuffing Techniques, at Road Safety.
Layunin ng aktibidad na higit pang palakasin ang kakayahan ng mga Barangay Peacekeeping Action Teams bilang pangunahing katuwang ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa barangay. Bahagi ito ng patuloy na pagsusulong ng Cagayan Police Provincial Office ng mas matatag na police-community partnership at ng adhikain ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”
Source: PNP CAGAYAN POLICE PROVINCIAL OFFICE