Sta. Rosa Cops, Pinaigting ang Seguridad at Traffic Assistance
Pinaigting ng mga tauhan ng Sta. Rosa Municipal Police Station ang seguridad at traffic assistance upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng mga residente at motorista sa Brgy. Rizal, Santa Rosa, Nueva Ecija nito lamang umaga ng Linggo, Oktubre 4, 2026.
Naging mas aktibo ang mga kapulisan sa pagbabantay sa mga pangunahing kalsada, matataong lugar, at mga lugar na inaasahang magiging sentro ng pagdagsa ng mga tao. Kasabay nito, isinagawa rin ang traffic assistance upang makatulong sa maayos na daloy ng mga sasakyan at maiwasan ang pagsisikip ng trapiko.
Hinimok naman ng pulisya ang publiko na makipagtulungan, sumunod sa mga alituntunin sa kalsada, at agad na ireport ang anumang kahina-hinalang insidente upang mapanatili ang seguridad at kaayusan sa Sta. Rosa.