HOA at Barangay Officials, nagsagawa ng Clean-Up Drive at Oplan Clearing sa Cavite

Matagumpay na naisagawa ng Homeowners Association at Barangay Officials ang Clean-up Drive at Oplan Clearing sa Vallejo Place Subdivision, Pasong Buaya II, Imus City, Cavite nito lamang Lunes, Agosto 21, 2023.

Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ni Hon. Carlito Tagle, Punong Barangay katuwang sina Mr. Estoy Camerino, Kagawad; Mommy Teresita Mendoza, President, Phase 3 & Extension Vallejo Place Subdivision pati na rin mga ibang opisyales at mga aktibong mamamayan.

Pinutol ang mga sanga ng punongkahoy na nakabalandra sa mga kable ng kuryente, nagwalis ng kapaligiran, nagtanggal ng mga masusukal na damo sa mga bakanteng lote at nagtanggal din ng mga basura o plastic wastes sa gutter ng mga kanal.

Layunin nitong maiwasan ang electric circuit na magdudulot ng sunog at panatilihin ang kalinisan ng kapaligiran para maiwasan din ang polusyon, sakuna at sakit dulot ng maduming kapaligiran.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *