Brgy. Based Advocacy Group nakiisa sa Dayalogo at Koordinasyon ng Cavite City PNP
Nakiisa ang Brgy. Based Advocacy Group sa isinagawang dayalogo at koordinasyon ng Cavite City PNP sa Barangay 48A, Cavite City, Cavite nito lamang Agosto 25, 2023.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Captain Roel Paiton, PCAD PCO at Police Corporal Julie Ann Marallag, PCAD PNCO sa direktang superbisyon ni Police Liuetenant Colonel Cristopher Guste, Office In Charge ng Cavite City Police Police Station.
Tinalakay ang patungkol sa Crime Prevention, National Task Force to End Local Communist Armed Conflict NTF-ELCAC or E.O 70, RA 9262 o Violation Against Women and Children, Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, Anti Criminality Campaign Against Illegal Drugs and Illegal Gambling at Buhay Ingatan Droga’y Ayawan (BIDA).
Layunin nitong madagdagan ang kaalaman ng mga taga-barangay sa droga, mga batas, krimen, at insurhensya para maiwasang maging biktima nito at mapanatili ang kaligtasan, kaayusan at kapayapaan sa komunidad.