Force Multipliers nagsagawa ng Community Outreach Program sa Gerona, Tarlac

Nagsagawa ng Community Outreach Program ang mga miyembro Alpha Base sa Barangay Oloybuaya, Gerona, Tarlac nito lamang Sabado, ika-26 ng Agosto 2023.

Katuwang sa aktibidad ang mga tauhan ng Gerona Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Jaime B Quiocho Jr., Chief of Police.

Sa aktibidad ay nagkaroon ng Tree Planting Activity, Feeding Program at pamimigay ng libreng tsinelas sa mga batang residente ng naturang lugar.

Patuloy ang maigting na ugnayan ng mga Force Multipliers at PNP lalo na sa pamimigay ng tulong sa mga mamamayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *