MAKIMA 1 Million Trees Project isinagawa ng LGU Sarangani
Nagsagawa ang Lokal na Pamahalaan ng Sarangani Province ng MAKIMA 1 Million Trees Project sa bahagi ng Mt. Busa Key Biodiversity Reserve sa lugar ng MaKiMa (Maitum, Kiamba, Maasim) nito lamang Pebrero 23, 2023.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng Sarangani LGU katuwang ang Department of Environment and Natural Resources (DENR), Advocacy Support Group, at Sarangani PNP.
Nasa isang libong iba’t ibang mga punla ang naitanim sa paligid na bahagi ng Mt. Busa.
Target ng LGU-Sarangani na makapag-tanim ng nasa 70,000 na punla ngayong taon.
Hangad ng naturang aktibidad na imulat ang publiko sa kasalukuyang estado ng kalikasan at ipaalala ang malaking
tungkulin at responsibilidad ng bawat mamamayan upang manatiling luntian at maganda ang ating kapaligiran at kalikasan.