KKDAT-Natonin, nakiisa sa Tree Planting Activity

Nakiisa ang mga miyembro ng Kabataan Kontra droga at Terorismo (KKDAT)-Natonin Chapter sa isinagawang tree planting activity sa Saliok, Natonin, Mt. Province nito lamang ika-6 ng Oktubre 2023.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga miyembro ng Youths Environment School Organization of Natonin Stand Alone Senior High School kasama ang tauhan ng Mt. Province PNP, Natonin PNP at KKDAT-Natonin.

Ang nasabing grupo ay matagumpay na nakapagtanim ng 105 na narra seedlings at 105 piraso ng bettle nut sa naturang lugar.

Ang aktibidad na ito ay naglalayong mahikayat ang mga kabataan na makiisa sa isinusulong na pagpapanatili sa maganda at maayos na kapaligiran tungo sa malinis at maaliwalas na komunidad.

Source: KKDAT Natonin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *