Faith Based Leaders, nakiisa sa Revitalized KASIMBAYANAN sa Eastern Samar
Nakiisa ang mga Faith Based Leaders sa isinagawang Revitalized KASIMBAYANAN na ginanap sa Brgy. 01 Poblacion, Taft, Eastern Samar nito lamang Martes ika-9 ng Enero 2024.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Pastor Marcelino Doque, Life Coach kasama ang mga miyembro ng 4Ps (Pantawid Pamilyang Pilipino Program) at mga tauhan ng Taft Municipal Station.
Tinalakay ni Pastor Doque ang verses mula sa bibliya at Human Rights Based Policing and Basic Provision of 11497 at RA 9165 (Comprehensive Dangerous Act of 2002) ang tinalakay naman ng mga kapulisan.
Ang nasabing aktibidad ay nakahanay sa PNP program na KASIMBAYANAN (Kapulisan, Simbahan, Pamayanan) na may layuning pagyamanin ang ugnayan sa iba’t ibang faith based organization sa pagkilala ng kahalagahan ng bawat grupo tungo sa mapayapa at ligtas na komunidad.