Clean-Up Drive Activity, isinagawa ng Advocacy Support Groups sa Santo Tomas, La Union
Santo Tomas, La Union – Pinangunahan ng mga miyembro ng Municipal Environment and Natural Resources Officer, Provincial Environment and Natural Resources Offices, Force Multipliers, Barangay Based, KKDAT, Kaligkasan, Women Group at BFP ang Clean-up Drive Activity sa Brgy. Casantaan, Santo Tomas, La Union nito lamang February 27, 2023.
Katuwang ang iba’t ibang grupo ng Advocacy Support Group ang Santo Tomas Police Station na pinangungunahan ni Police Major Gerardo V Manzano, Officer-in-Charge ng naturang istasyon.
Layunin ng aktibidad na patuloy na himukin ang mamamayan na makiisa sa mga aktibidad ng pamahalaan na naglalayong mapangalagaan at maprotektahan ang kalikasanan at mapanatili ang kalinisan sa kapaligiran tungo sa isang maayos at masaganang pamayanan.
Source: Santo Tomas, Police Station, La Union.