Force Multipliers ng PRO CALABARZON, nakiisa sa Community Outreach Program sa Lucban, Quezon

Nakiisa ang force Multipliers ng Police Regional Office 4A kasama ang Officers’ Ladies Club sa pamumuno ni Mrs. Mary June T. Lucas, Adviser, kasama ang mga tauhan ng Quezon Police Provincial Office at Regional Community Affairs and Development Division – Family Juvenile Gender Advocacy Development, ay nagsagawa ng isang outreach activity na tinawag nilang “OPLAN Bisita-Eskwela (BES) and Gift Giving” nito lamang ika 30 ng Enero, 2024 sa Elementary School ng Barangay Aliliw, Lucban, Quezon.

May kabuuang 80 na mag-aaral mula kindergarten hanggang grade six ang nabigyan ng pagkain at mga gamit pang eskwela.

Sa aktibidad na ito, nagkaroon ng tree planting activity sa paligid ng paaralan at ang mga tauhan mula sa Quezon PPO ay nagsagawa ng mga lecture sa R.A. 7610, na kilala bilang ” Anti- Child Abuse Law.

Ang aktibidad ay naglalayong makuha ang tiwala at kumpiyansa ng komunidad, partikular sa sektor ng kabataan, at hikayatin silang maging S.T.R.O.N.G (Smart, Talented, Responsible, Obedient, Nice, and God-Fearing)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *