Livelihood Training Program nilahukan ng Brgy-based Support Group
Ganadong nakiisa ang mga miyembro ng Barangay-Based Support Group sa isinagawang Livelihood Training Program na isinagawa sa Skills and Livelihood Training Center, Brgy. Corazon de Jesus, San Juan City nito lamang Huwebes, Pebrero 1, 2024.
Ang aktibidad ay naisagawa sa tulong ng San Juan Skills & Livelihood Training Center/TESDA sa pamumuno ni Mrs. Marie O’Neal Mendoza Arquero, Officer-in-Charge, katuwang ang mga tauhan ng SCADS ng San Juan City Police Station.
Ang pagsasanay sa Dishwashing Liquid Soap Making na pinondohan ng San Juan City LGU at dinaluhan ng Person with Disability (PWD) mula sa iba’t ibang Barangay ng lungsod kung saan sila ay sinanay ni Ms. Lady April Ortega, Trainor Basic Dishwashing sa pangangasiwa ni G. Lamberao L Obena, Administrative Aide III.
Layunin nitong bigyan ng karagdagang kaalaman ang bawat ina at senior citizen upang tulungan silang maiangat ang kanilang antas ng pamumuhay at makapag umpisa sa pagbubukas ng maliit na negosyo.