KABALIKAT CIVICOM Bayambang Chapter, nakilahok sa Community Outreach Program
Nakilahok ang mga miyembro ng KABALIKAT CIVICOM Bayambang Chapter sa pangunguna ni Mr. Arnold V Ceralde sa isinagawang Community Outreach Program sa Cason Elementary School Brgy. Sancagulis, Bayambang, Pangasinan nito lamang ika-1 ng Marso 2023.
Katuwang ng KABALIKAT CIVICOM Bayambang Chapter ang Bayambang Municipal Police Station na pinamumunuan ni Police Lieutenant Colonel Rommel P Bagsic, Chief of Police.
Sa naturang aktibidad ay nagsagawa din ang grupo ng Earthquake Drill at lectures patungkol sa Crime Prevention, Anti-Bullying Act, Bible Pamphlet at Supplemental Feeding.
Layunin ng aktibidad na maipadama ang pagmamahal ng gobyerno sa mamamayan sa pamamagitan ng pag abot ng tulong.