BPATs, nakilahok sa Bomb Threat Awareness Seminar
Aktibong nakilahok sa Bomb Threat Awareness Seminar ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Teams sa Barangay Baliwagan, San Enrique, Negros Occidental nitong ika-27 ng Pebrero 2024.
Ang nasabing aktibidad ay inisyatibo ng San Enrique Municipal Police Station kasama ang Provincial Explosive Ordnance Disposal and Canine Unit at Barangay Council ng nasabing lugar.
Tinalakay sa seminar ang mga dapat gawin at mga hakbang na dapat sundan kapag may banta ng bomba na makakatulong sa pagpapanatili ng kaligtasan ng mamamayan sa lugar.
Layunin ng aktibidad na ito na magbigay ng kaalaman at gabay sa pagtugon sa mga insidente ng banta ng bomba sa lugar.
Patuloy ang grupo sa pakikilahok sa mga ganitong aktibidad upang madagdagan ang kanilang kaalaman para masiguro ang seguridad at kapayapaan ng kanilang komunidad.
Source: PCR San Enrique
Panulat ni Pat Julius Sam Accad