BPATs, sumailalim sa Skills Enhancement Training sa Albay
Aktibong sumailalim ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) sa isinagawang Skills Enhancement Training at Seminar sa pangunguna ng Malinao Municipal Police Station sa Malinao, Albay nito lamang ika-28 ng Pebrero 2024.
Tinalakay ng mga tagapagsanay ang iba’t ibang demonstrasyon tulad ng pamamaraan ng tamang pag-aresto, handcuffing techniques at kaalaman sa pagtugon sa sakuna at anumang kalamidad sa kanilang nasasakupan. Kabilang na rin sa tinalakay ang Katarungang Pambarangay, First Responder, Blotter Entry, EO70 (NTF-ELCAC) R.A. No. 9165 and R.A. No. 7610.
Ang nasabing aktibidad ay naglalayong magbigay ng kasanayan sa mga miyembro ng Force Multipliers upang magkaroon sila ng mga kaalaman na kapaki-pakinabang sa kanilang tungkulin upang mas mapanatili ang kaayusan at kapayapaan ng komunidad at para na rin sa ikauunlad ng ating bansa tungo sa Bagong Pilipinas.
Source: Malinao Municipal Police Station
Panulat ni Brian