3 Days KKDAT Summit, isinagawa
Nagsagawa ng 3-Day Summit para sa mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo na ginanap sa Centro 1, Claveria, Cagayan noong Abril 26-28, 2024.
Ito ay pinangunahan ng Advocacy Group katuwang ang Cagayano Cops para maipamahagi ang kaaalaman upang mas maging mahusay pa sila sa piniling larangan sa pamamagitan ng pakikilahok sa naturang Summit.
Sa unang araw, nagbahagi ang mga napiling tagapagsalita ng mga paksa na makakatulong sa mga kabataan na iwasan ang droga at mailayo sa masamang epekto nito at ang mga paraan ng pagrerekrut ng makakaliwang grupo sa mga kabataan dahil sila ang pinakamadaling maakay ng mga ito.
Nagsagawa din sila ng clean-up drive at nakapagtanim ng mga iba’t ibang punong kahoy sa tabing-dagat sa Claveria, Cagayan para naman mapangalagaan ang ating likas na yaman at kalikasan.
Ang aktibidad na ito ay nagbigay ng inpirasyon sa mga kabataan na kahit sila’y musmos pa ay nakakatulong na sila sa mga bagay upang maayos ang ating kapaligiran at matulungan silang maging huwaran hindi lamang sa kapwa nila kabataan gayundin sa ating lipunan.
Layunin ng tatlong araw na aktibidad na mahikayat ang mga kabataan para makinig sa mga isinagawang symposium tulad ng pagkakaroon ng talakayan patungkol sa ilegal na droga at terorismo na siyang pangunahing layunin ng kanilang organisasyon – ang mailayo sa droga at huwag mahikayat ng maling grupo.
Source: CPPO