Miyembro ng BPATs, sumailalim sa pagsasanay sa Cervantes, Ilocos Sur
Sumailalim sa pagsasanay ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) na isinagawa sa Barangay Hall ng Barangay Comillas South, Cervantes, Ilocos Sur nito lang ika-9 ng Hulyo 2024.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni PLt Resurreccion R. Padiwan, Officer-In-Charge ng Cervantes PNP kasama ang mga tauhan nito.
Tinalakay at tinuruan sa pagsasanay na ito ang mga miyembro ng BPATs ng mga mahahalagang teknik sa pagposas, pag-aresto, at pagtatanggol sa sarili, dahil ito ay mahalaga upang maprotektahan ang kanilang sarili mula sa anumang pisikal na pag-atake habang isinasagawa ang kanilang tungkulin.
Bukod sa praktikal na pagsasanay, tinalakay din ang updated BPATs manual na naglalaman ng mga bagong regulasyon at pamamaraan na makakatulong sa mga kasapi nito sa kanilang pang-araw-araw na operasyon at maiayon sa pinakabagong mga patnubay at direktiba ng Philippine National Police.
Ang pagsasanay na ito ay isang hakbang patungo sa pagpapalakas ng kakayahan ng mga lokal na peacekeepers. Sa pamamagitan ng mga ganitong pagsasanay, masisiguro ang mas maayos at epektibong pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa kanilang nasasakupan.
Source: Cervantes MPS