Advocacy Support Group, nakiisa sa 29th PCR Month Celebration
Nagsagawa ng Free Dental Check-up, Haircut at Circumcision ang Advocacy Support Group ng Batangas Province bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng 29th PCR Month na ginanap sa Camp Gen. Miguel Malvar, Kumintang Ilaya, Batangas City nito lamang ika-10 ng Hulyo 2024.
Ang aktibidad ay sa inisyatibo ng Philippine Dental Association Batangas Chapter sa pamumuno ni Dr. Rowena C. Hernandez, President, NAPOLCOM 4A, Atty. Kristofferson D. Diwas, Assistant Regional Director katuwang ang PCADU Batangas PPO at Batangas Police Provincial Office.
Aktibo itong dinaluhan ng mga dependents ng PNP personnel, Non-Uniformed Personnel at mga kapulisan ng Batangas PPO na umabot sa humigit kumulang 100 katao. Libreng pagpapalinis ng ngipin at konsultasyon, libreng pagpapagupit at tuli ang mga naging serbisyo ng mga stakeholders sa naturang aktibidad.
Ang ganitong uri ng programa ay isang mahalagang pagkakataon upang maipadama sa bawat miyembro ng komunidad ang ating malasakit at pagmamahal. Sa bawat tulong na ating naiaabot, tayo ay nagiging instrumento ng pagbabago at pag-asa. Sa ating pagsasama-sama, nalilikha natin ang isang mas maayos, mas ligtas, at mas masayang pamayanan.
Source: RPCADU 4A