Miyembro ng BPATs sa Ilocos Sur, sumailalim sa pagsasanay
Sumailalim sa pagsasanay ang mga miyembro ng BPATs sa Barangay San Isidro, Candon City, Ilocos Sur nito lamang ika-10 ng Hulyo 2024.
Ang aktibidad ay inisyatiba ng Candon City PNP at kanilang binigyan kaalamang ang mga kasapi ng BPATs ng tamang pag-aresto at handcuffing techniques na makakatulong upang mas maging epektibo sila sa kanilang mga tungkulin na mapanatili ang katahimikan at kaligtasan sa kanilang nasasakupan.
Nagpapasalamat naman ang BPATs sa kanilang mga natutunan dahil madadala nila ito kahit sa kanilang personal na buhay kung saan maipagtatanggol nila ang kanilang mga sarili.
Samantala, nangangako naman ang iba’t ibang organisasyon kasama ang PNP na patuloy silang magtutulungan upang magkaroon ng mas ligtas at maunlad na Bagong Pilipinas.
Source: Candon City Police Station