Tree Planting at Coastal Clean-up Drive, isinagawa sa Davao City
Naging matagumpay ang isinagawang tree planting at coastal clean-up drive na pinangunahan ng iba’t ibang Non-Government Organization nito lamang ika-14 ng Hulyo 2024 sa Barangay 76-A, Bucana, Ecoland, Davao City.
Umabot sa humigit kumulang 500 mangrove seedlings ang naitanim sa naturang aktibidad habang sako-sako namang basura ang naipon at maayos na itinapon.
Kabilang sa nanguna sa makabuluhang aktibidad na ito ay ang Sangguniang Masang Pilipino International Inc. (SMPII), Task Force Mindanao-Vanguard, Kabalikad Radio Command, Cobra Civil Group at GPAG Anti-Crime.
Hindi naman nagpahuli ang Regional Police Community Affairs and Development Unit 11 gayundin ang kinatawan ng BJMP.
Ang pinag-isang puwersa na ito ng humigit kumulang 300 partisipante mula sa pampubliko at pribadong sektor ay patunay na higit pa nating mapapangalagaan ang ating likas na yaman kung lahat tayo ay magtutulungan.