Kauna-unahang KKDAT Survival Camp sa Bayan ng Roxas, naging matagumpay
Naging matagumpay ang limang araw na KKDAT Survival Camp ang naisagawa sa En Hakori Camp, Barangay Iraan, Roxas, Palawan na may temang ๐๐๐ธ๐น๐ผ๐ฑ ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ด๐ธ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ถ๐ฏ๐ถ๐ด๐ฎ๐ป, ๐ฃ๐๐ป๐ฑ๐ฎ๐๐๐ผ๐ป ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ด๐ธ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ถ๐๐ฎ kung saan ito ay dinaluhan ng mahigit tatlong daan (300) na miyembro ng KKDAT mula sa dalawampuโt dalawang Barangay na sakop ng Bayan ng Roxas nito lamang Hulyo 19-24, 2024.
Ang nasabing programa ay inorganisa ng KKDAT Roxas Chapter sa pangunguna ni Maxine Divine Pelarmio, KKDAT Over All President katuwang ang 2nd Palawan PMFC, Roxas MPS, Sangguniang Kabataan Federation President sa katauhan ni Hon. Reymart Rabusa at LGU Roxas sa pamumuno ni Hon. Mayor Dennis M. Sabando.
Sa loob ng limang araw ay nagkaroon ng ibaโt ibang pag-aaral patungkol sa Anti-Terrorism, R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, RA 9262 (VAWC), RA 11313, different Environmental Laws, IEC on West Philippine Sea at Jungle Survival.
Sa pagtatapos ng mga talakayan ay nagkaroon din ng mga practical exercises gaya ng dula-dulaan na nakasentro ang tema sa ibaโt ibang uri ng mga pang-aabuso sa mga kababaihan na napapaloob sa VAWC.
Short video clip presentation na nakasentro sa RA 11313 at Jungle survival kung saan pinagawa ang mga kalahok ng apoy, tahanan, mga traps at pagkuha ng ibaโt ibang uri ng halamang gamot na makikita lamang sa paligid.
Mayroon ding mga palaro kung saan masusukat ang leadership, pagkakakisa at tiwala sa bawat isang kasapi ng team at pagpapakita ng mga talento gaya ng poster making, spoken poetry at sayawit.
Sa huli ay lubos ang tuwa at pasasalamat ng mga kabataang lumahok dahil natapos nila ang limang araw na aktibidad at matatawag nila ang kanilang sarili na โI Survive sa 5-Day KKDAT Survival Camp.โ
Lubos din ang kanilang pasasalamat sa kapulisan at mga nasa likod ng programa dahil sa mga ganitong aktibidad ay lalo nilang nakikilala ang sarili at matatawag na ๐๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ฎ๐ป a๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ด-๐ฎ๐๐ฎ ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ป.
Layunin ng aktibidad na ito na iligtas ang mga kabataan mula sa pagbabanta ng ilegal na droga at mula sa brainwashing at recruitment ng mga komunistang teroristang grupo.
Source: 2nd Palawan PMFC