BPATs, lumahok sa Medical Outreach Program
Lumahok sa isinagawang Medical Outreach Program ang mga personahe ng Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) na ginanap sa Barangay Poblacion, Tupi, South Cotabato nito lamang Hulyo 24, 2024.
Ang naturang aktibidad ay mula sa inisyatibo ng LGU Tupi kasama ang PNP at AFP na may samu’t saring serbisyo ang ibinigay sa nasabing medical mission gaya ng libreng tuli, libreng bunot ng ngipin, flu vaccine, HIV testing para sa mga buntis, libreng medical check-up, libreng masahe, libreng manicure at pedicure, at libreng gupit.
Layunin ng programang ito na maihatid ang mga programa para sa mga katutubo at ipadama ang malasakit sa ating mga kababayang lubos na nangangailangan para sa isang Bagong Pilipinas.