Advocacy Support Group at Force Multipliers, nakiisa sa pagtatanim ng 4,000 Mangrove Seedlings sa NegOr
Masugid na nakiisa ang mga miyembro ng Advocacy Support Group at Force Multipliers sa pagtatanim ng tinatayang nasa 4,000 piraso ng Mangrove Seedlings sa tatlong Coastal Barangay ng Guihulngan City, Negros Oriental nito lamang Marso 11, 2023.
Ito ay inisyatiba ng mga tauhan ng City Agriculturist Office na pinamumunuan ni Mr. Joel U. Cadiz, City Agriculturist – Guihulngan na masugid na sinuportahan at nilahukan ng mga tauhan ng Guihulngan City Police Station sa direktang pangangasiwa ni Police Lieutenant Colonel Romeo G Cubo, Acting Chief of Police.
Kabilang din sa mga dumalo ang mga miyembro ng 61st Special Action Company Special Action Force, 32nd CMO Philippine Army, CAA II Delta Company Philippine Coastguard, City Environment and Natural Resources Officer (CENRO), Youth for Peace Movement – Guihulngan City Chapter, Force Multipliers, Advocacy Support Group at Barangay Officials ng tatlong barangay.
Ang naturang aktibidad ay alinsunod sa selebrasyon ng 2023 National Women’s Month na may temang “We for Gender Equality and Inclusive Society.”
Ang matagumpay at patuloy na pagsasakatuparan ng aktibidad ay bahagi ng isinusulong na programa ng grupo upang mapangalagaan at panatilihin ang kagandahan at kaayusan ng kalikasan para sa kaligtasan at kapakanan ng bawat mamamayan.