Talakayan sa Drug Awareness at Bullying, idinaos sa Santa Ignacia, Tarlac

Nagsagawa ang mga tauhan ng Santa Ignacia Municipal Police Station sa katatapos laman na Youth Leadership Summit 2024 ng talakayan ukol sa Drug Awareness and Bullying sa mga estudyante ng Biaan Integrated School.

Ang naturang gawain ay isinagawa sa Filandos Resort, Barangay Cabugbugan, Santa Ignacia, Tarlac nito lamang Huwebes ika-1 ng Hulyo 2024.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Major Randy D Gomez, Acting Chief of Police, Santa Ignacia Municipal Police Station.

Tinalakay sa mga kabataan ang mga mahahalagang punto tungkol sa Anti- Bullying, Buhay ay Ingatan Droga ay Ayawan (BIDA), at Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) kaugnay sa RA 9165/Drug Awareness.

Layunin nitong ipabatid sa mga estudyante ang mga kaukulang batas hinggil sa mga naturang paksa at mga dapat at di dapat gawin upang makaiwas maging biktima ng krimen at droga. Hinikayat din ang mga kabataan na laging mag-ingat at ugaliing maging mapagmatyag sa mga kahina-hinalang tao sa paligid upang makaiwas sa ano mang karahasan tungo sa maayos at ligtas pamayanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *