Criminology Interns, nakiisa sa 2-Day Refresher Course Training sa BLS at WASAR
Dumalo at nakiisa ang mga Criminology Interns ng Sultan Kudarat State University-Kalamansig Campus sa isinagawang 2-day Refresher Course Training ng Basic Life Support (BLS) at Water Search and Rescue (WASAR) sa Barangay Pag-asa, Kalamansig, Sultan Kudarat nito lamang ika-6 hanggang ika-7 ng Setyembre 2024.
Pinangunahan ng mga tauhan ng 2nd Sultan Kudarat Provincial Mobile Force Company ang nasabing aktibidad sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Willam L Facsoy, Force Commander kasama ang Rural Health Unit sa pangunguna ni Ritchen A. Fernandez,RN,MPA.
Nakiisa din ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection at PNP Maritime Group. Tinalakay at isinagawa sa aktibidad ang tamang Cardiopulmonary Resuscitation gamit ang Automated External Defibrillators (AEDs).
Itinuro din ang iba’t ibang uri ng Basic Rescue Method sa water Rescue at Golden Rule ng Rescue.
Layunin ng refresher course na ito na mapahusay ang kanilang kasanayan sa oras ng operasyon ng pagliligtas at magsisilbing paghahanda sa anumang sakuna na paparating.