Coastal Clean Up Drive, isinagawa sa Gasan Marinduque
Matagumpay ang isinagawang Coastal Clean-Up Activity Drive bilang pakikiisa sa inilunsad na Project SALBABIDA na ginanap sa Gasan Community Marine Reserve, Brgy. Pinggan, Gasan, Marinduque nito lamang ika-11 ng Setyembre 2024.
Naisakatuparan ang aktibidad sa pangunguna ng Savior of the Sea kasama ang mga opisyales at residente ng barangay Pinggan katuwang ang mga tauhan ng Gasan Maritime PNP sa pangunguna ni PLt Michael E Mendones, sa ilalim ng pangangasiwa ni PMaj Patricio A Corcha Jr, Station Chief.
Humugit kumulang 4 na sako ng basura ang nakolekta mula sa isinagawang gawain. Ang programang ito ay naglalayong itaas ang kamalayan at hikayatin ang partisipasyon ng lahat ng sektor ng komunidad lalo na ang mga nakatira sa mga coastal areas na pangalagaan ang kapaligiran at bawasan ang mga paglabag sa environmental law.