Project R.E.A.D.Y, isinagawa sa Northern Samar
Matagumpay na isinagawa ang Project R.E.A.D.Y o Resistance Education Against Drugs for the Youth sa mag-aaral na grade-4 ng Magsaysay Elementary School sa Brgy. Magsaysay, Bobon, Northern Samar nito lamang Martes, ika-10 ng Setyembre 2024.
Ang aktibidad ay inisyatiba ng Northern Samar Police Provincial Office kasama ang Bobon Municipal Police Station sa pangangasiwa ni Police Colonel Sonnie B Omengen, Provincial Director.
Tinalakay ng mga resource person ang background ng Project R.E.A.D.Y., kahalagahan ng Filipino core values, pag-aaral ng moral values at pagbuo ng self-esteem, paggawa ng desisyon, pagsunod sa batas at pagsasaalang-alang sa mga kahihinatnan, at ang panganib ng ilegal na droga at mga gateway nito.
Ang naturang aktibidad ay naglalayong protektahan ang mga kabataan mula sa masasamang epekto ng ilegal na droga sa pamamagitan ng pag-institutionalize sa pamantayan ng preventive information at education program ng gobyerno.