BPATs Enhancement Training, isinagawa sa Pamplona, Cagayan

Upang mas lalong mapalawig ang kaalaman sa peace and order sumailalim ang mga miyembro nag Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) sa Enhancement Training na ginanap sa Barangay Sta Cruz, Pamplona, Cagayan nito lamang ika-13 ng Setyembre 2024.

Ang aktibidad ay inisyatiba ng Pamplona Police Station na pinangunahan ni PEMS Angelus A Aquino, MESPO ng nasabing istasyon.

Nakatuon ang talakayan hinggil sa peace and order, Gender-Based Violence, pinaigting ang kampanya sa Anti-illegal Drugs at Anti-terrorism at Cybercrime Prevention Safety Tips. Gayundin, hinikayat ang mga miyembro ng BPATs na makibahagi sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa pamamagitan ng agarang pag-uulat ng mga ilegal na mga aktibidad.

Layunin nito na bigyan ng kakayahan ang mga BPATs ng mga Barangay na maging katuwang ng kapulisan sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa kanilang nasasakupan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *