BPATS, nakilahok sa Competency and Skills Enhancement Training sa Tuguegarao City
Aktibong nakilahok ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) sa isinagawang Competency and Skills Enhancement Training ng mga tauhan ng Highway Patrol Group na ginanap sa Tuguegarao City, Cagayan, nitong ika-16 ng Setyembre 2024.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Executive Master Sergeant Jonathan Baccay at Police Executive Master Sergeant Ralston Juan ng Highway Patrol Group, katuwang ang mga kapulisan ng Tuguegarao Component City Police Station, kasama ang mga Barangay officials at Barangay Peacekeeping Action Teams.
Nagbigay kaalaman ang pulisya tungkol sa Traffic Rules, Road Right of Way at Road Courtesy kabilang na din sa isinagawa ay ang BPOC orientation at BPAT’s duties and function.
Layunin ng aktibidad na madagdagan ang kamalayan ng mga mamamayan tungkol sa mga batas, bilang pagtugon sa mga programa ng pamahaalan na naglalayong mapaigting ang seguridad ng bawat mamamayan at mapanatili ang pagkakaisa ng bawat Pilipino tungo sa Bagong Pilipinas.