Color Fun Run, isinagawa sa Calapan City

Makulay at matagumpay na isinagawa ang Color Fun Run at Zumba kaugnay sa pagdiriwang ng Maritime and Archipelagic Nation Awareness Month 2024 na may temang “Pamana ng Karagatan: Para sa Kinabukasan ating Ingatan” na ginanap sa Plaza Pavilion, Calapan City, Oriental Mindoro nito lamang ika -14 ng Setyembre 2024.

Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa pamumuno ni Ms. Hope Relayson katuwang ang Redional Maritime Unit 4B. Dinaluhan rin ito ng mahigit 250 na kalahok mula sa PNP National Support Unit, PRO MIMAROPA, Local Government Unit at mga residente ng naturang lungsod.

Ang pagsisikap sa pagkakaisang ito ay bigyang kapangyarihan ang mga kabataang mangingisda, kabilang ang mga out-of-school youth upang sila ay maging produktibong stakeholder sa sektor ng pangisdaan.

Nilalayon din nitong mailayo sila na masangkot sa droga, pagsusugal, insurhensiya, at iba pang nakapipinsalang aktibidad.

Ang aktibidad na ito ay naglalayong imulat ang bawat isa sa mga archipelagic issues at bigyang-diin ang kahalagahan ng Philippine Maritime heritage at resources, pagtataguyod ng pagkakaisa at pagmamalaki sa mga Pilipino habang tinutugunan ang pagmamalasakit sa kapaligiran at sustainable development.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *