Awareness Lecture sa Project R.E.A.D.Y isinagawa ng San Juan PNP
Nagsagawa ang San Juan City Police Station ng Awareness Lecture kaugnay sa Project Resistance Education Against Drugs for the Youth (R.E.A.D.Y.) nito lamang Biyernes, Setyembre 13, 2024.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni PSSg Jumer S Petilo, SCADS sa ilalim ng pamumuno ni Police Colonel Francis Allan M Reglos, Chief of Police ng naturang istasyon.
Tinalakay sa aktibidad ang Module 1-4 at Understanding the Effects and Consequences of Gateway Drugs and Other Harmful Substances na dinaluhan ng 52 na mag-aaral mula sa Grade 11- Section HUMMS at STEM sa pakikipag-ugnayan kay Ginang Maria Aileen B. Callorina, Principal, San Juan Senior High Academic.
Ito ay naglalayong turuan ang mag-aaral sa mga pangunahing katotohanan tungkol sa mga ipinagbabawal na gamot at iba pang mga nakakapinsalang sangkap, upang matukoy ang mga negatibong kahihinatnan, at upang pakilusin at ayusin ang komunidad.
Source: San Juan City Police Station