BPATs, nakilahok sa talakayan at pagsasanay ng Malolos PNP
Aktibong nakilahok ang mga miyembro ng Barangay Peace Keeping Action Team ng iba’t ibang Coastal Barangay sa isinagawang talakayan at pagsasanay ng Malolos City Police Station sa Brgy. Babatnin, Malolos Bulacan nito lamang Martes, ika-17 ng Setyembre 2024. Pinangunahan ito ni Police Lieutenant Colonel Rommel Rommel Genoblazo, Chief of Police ng Malolos City Police Station, katuwang ang PNP Advisory Support Group Malolos.
Nagbigay kaalaman ang pulisya tungkol sa R.A 9165 Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 (BIDA Program), E.O 70 NTF ELCAC, law enforcement procedures, handcuffing and arresting techniques at BPOC orientation at BPATs duties and function.
Layunin ng aktibidad na palakasin ang aksyon at kooperasyon sa pagkamit ng kaayusan, magkaroon ng sapat na kaalaman upang magampanan ang kanilang mga responsibilidad bilang tagapamayapa ng barangay at magkoroon ng progresibong pamumuhay ang bawat indibidwal sa hinaharap.
Patunay lamang na ang Pambansang Pulisya ay patuloy sa paghahatid ng serbisyo kontra kriminalidad upang magkaroon ng maayos at maunlad na bansa para sa sambayanang Pilipino tungo sa isang bagong Pilipinas.