Barangay-Based Advocacy Support Group, nakiisa sa Tree Planting Activity sa Aparri
Nakiisa ang Barangay-Based Advocacy Support Group sa Tree Planting Activity kaugnay sa Community Based Program ng Revitalized Pulis sa Barangay sa Brgy. Paddun Sur, Aparri, Cagayan noong ika-16 ng Septyembre 2024.
Pinangunahan ng mga kapulisan ng 1st Mobile Force Platoon, 2nd Cagayan Provincial Mobile Force Company ang aktibidad, katuwang ang mga miyembro ng Barangay-Based Advocacy Support Group.
Sama-sama at tulong-tulong ang mga grupo sa pagtatanim ng 50 coconut seedlings na naglalayong itaas ang kamalayan ng lipunan.
Ninanais nitong mapanatiling maayos at ligtas ang komunidad bilang suporta sa Enhanced National Greening Program ng Gobyerno at isulong ang PNP Core Values na “Makakalikasan”, Clean and Green CPPO Dream at I love Cagayan River Movement: Seed of Hope.
Ang Advocacy Support Group katuwang ang mga ahensya ng gobyerno ay patuloy sa paghikayat sa mga mamamayan na pahalagahan at ingatan ang ating inang kalikasan para sa mas maunlad na Bagong Pilipinas.