Symposium on Ill-Effects of Illegal Drugs, isinagawa sa Manga High School Extension
Matagumpay na nagtapos ang isinagawang Symposium on Ill-Effects of Illegal Drugs sa pangunguna ni Punong Guro Mary Ann Awe at Barkada Kontra Droga(BKD) Adviser Gng. Romelda De Asis nito lamang Setyembre 17, 2024 sa Manga High School Extension.
Aktibo namang nakiisa sa naturang aktibidad ang kinatawan ng Matanao Police Station na nagsilbi ring resource speaker. Komprehensibong tinalakay naman sa pagtitipon na ito ang Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at iba pang kaugnay at napapanahon na mga batas para sa mga kabataan.
Ang layunin ng programang ito ay itaguyod ang mas malawak na kaalaman ng mga mag-aaral bilang gabay para sa isang malusog na pamumuhay na malaya sa ilegal na droga, patungo sa isang mas maliwanag na kinabukasan.