Advocacy Support Group, nakilahok sa Orientation tungkol sa Anti-Violence Against Women and their Children sa Mandaue City, Cebu
Aktibong nakibahagi ang mga kababaihang miyembro ng Force Multipliers at Advocacy Support Groups sa isinagawang Orientation on Republic Act 9262 “The Anti-Violence Against Women and their Children (VAWC) Act of 2004” sa Brgy. Ibabao Hall, Mandaue City, Cebu nito lamang Marso 16, 2023.
Ang aktibidad ay inisyatiba ng mga tauhan ng Mandaue City Police Station 1 sa pangunguna ni PMSg Hannah Lhynn A. Milan, WCPD PNCO sa direktang pangangasiwa ni Police Major James Mosota Conaco, Officer-In-Charge ng Police Station 1.
Tinalakay ng naturang grupo ang RA 8353 (Anti Rape Law), RA 11313 (Anti-Bastos law or the Safe Spaces Act), RA 7877 (Anti Sexual Harassment Law), RA 7610 (Child Abuse Law).
Isinasagawa ang ganitong uri ng aktibidad para sa mga kababaihan upang magbigay ng sapat na kaalaman para sa kanilang kapakanan at pati na rin sa bawat isa na kanilang nasasakupan.