Youth Mobile Force nakiisa sa isinagawang Clean-up Drive sa Abra

Nakiisa ang mga miyembro ng Youth Mobile Force-Abra Chapter sa isinagawang Clean-up Drive sa Abra-Ilocos Sur Road nito lamang Biyernes, Pebrero 17, 2023.

Pinangunahan ang aktibidad ng mga tauhan ng 1504th Maneuver Company kasama ang Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) at miyembro ng Youth Mobile Force-Abra.

Ang nasabing grupo ay nagtulong-tulong na pinulot at nilinis ang mga basurang nakakalat sa naturang kalsada.

Layunin ng aktibidad ang pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng kapaligiran.

Kaisa ang mga kabataan at PNP sa mga ganitong uri ng aktibidad para maipakita ang suporta sa mga programa ng gobyerno sa kalikasan at mahikayat ang komunidad na ingatan at pahalagahan ang ating kapaligiran.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *