Pulong-pulong kontra kriminalidad at terorismo isinagawa sa Bukidnon

Nagsagawa ng pulong-pulong tungkol sa kriminalidad at terorismo ang purok leader, barangay kagawad at Revitalized Pulis sa Barangay Bukidnon na ginanap sa Brgy. Laligan, Valencia City, Bukidnon nito lamang Pebrero 23, 2023.

Sa naturang aktibidad ay tinalakay ang kampanya kontra terorismo na sumisira sa buhay lalo na sa mga kinabukasan ng mga kabataan.

Bukod dito, tinalakay din ng pulisya ang mga Tips para maiwasan ang anumang uri ng krimen.

Layunin ng aktibidad na palakasin pa lalo ang ugnayan ng mamamayan at pulisya upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa ating bayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *