Youth Mobile Force nakiisa saTree Planting Activity sa Aguinaldo, Ifugao

Nakiisa ang mga miyembro ng Youth Mobile Force sa isinagawang Tree Planting Activity sa Talite Elementary School, Brgy. Talite, Aguinaldo Ifugao, nito lamang ika-24 ng Pebrero 2023.

Ang aktibidad ay nilahukan ng 2nd Ifugao Provincial Mobile Force Company, at Regional Mobile Force Battalion 15, katuwang ang 4th Infantry Battalion , 5th Infantry Division Philippine Army, Bureau of Fire Protection Aguinaldo, DENR, PLGU-Ifugao, LGU-Aguinaldo, mga guro, Barangay LGU-Talite, at iba pang mga boluntaryo.

Ang mga nasabing grupo ay matagumpay na nakapagtanim ng 370 narra seedlings sa nasabing lugar.

Ang aktibidad ay kaugnay sa Provincial Ordinance No. 2109-05 o ang Provincial Birthday Tree Planting bilang pagdiriwang sa kaarawan ng mga ipinanganak sa buwan ng Pebrero at naglalayong makatulong sa lumalalang epekto ng global warming at climate change at himukin ang komunidad na makiisa sa pananatili ng luntiang kapaligiran.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *