Force Multipliers, nakiisa sa isinagawang Liga ng mga Barangay Monthly Meeting

Nakiisa ang mga Force Multipliers sa isinagawang Liga ng mga Barangay Monthly Meeting na ginanap sa Liga Building, Brgy Acacia, Catarman, Samar nito lamang Marso 1, 2023.

Ang aktibidad ay dinaluhan ng mga Local Religious Leaders, Barangay Officials, Advocacy Support Group, mga tauhan ng Catarman Municipal Police Station at residente ng nasabing lugar.

Nagkaroon ng talakayan patungkol sa update at status ng Barangay Drug Clearing Program, kahalagahan ng pagsugpo sa ilegal na droga at insurhensya sa kanilang nasasakupan. Natalakay din na ang pagtutulungan ng komunidad kaagapay ang Simbahan ay malaking tulong sa pagkamit ng kapayapaan at ng pag-unlad ng kanilang lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *