Advocacy Support Group, nakiisa sa Tree Planting Activity sa Biliran

Culaba, Biliran – Nakiisa ang mga Advocacy Support Group ng Caluba sa isinagawang Tree Planting Activity sa Brgy. Bool West, Culaba, Biliran nito lamang Miyerkules ika-15 ng Marso 2023.

Ang aktibidad ay nilahukan ng mga kababaihan ng Faith Based Leader, Brgy. Based, KKDAT ng Caluba, katuwang ang Caluba Municipal Police Station na pamumuno ni PCpt Benigno R Avila, Chief of Police ng nasabing istasyon.

Tinatayang nasa humigit kumulang 100 na punla ang kanilang naitanim sa nasabing lugar.

Ang aktibidad ay para sa pagdiriwang ng Women’s Month na may temang “We for Gender Equality, Inclusive Society” kung saan binigyang diin ang mga kababaihan sa ating komunidad.

Layunin ng aktibidad sa publiko ang kahalagahan ng pagtatanim ng puno para labanan ang climate change at iba pang dulot nito

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *